Place Ad Here

Your Ad Here

Feb 17, 2010

Who is on this blind item?

.....
There was an article in one tabloid about a very popular Philippine actress.  Said article was reported as a blind item.  I do have my own guess and I wonder if  your guess will also be same as mine. 

Sikat na aktres, dinamdam ang pagkamatay
ng batang may kanser


KARUGTONG ito ng blind item namin kamakailan tungkol sa isang sikat na aktres na walang habas kung mamakyaw ng mamahaling bags.

Kamakailan ay nakasama ng sikat na aktres ang kaibigan niyang sikat ding young actress sa isang out of the country event sa isang bansa sa Asya.

Close na close ang sikat na aktres sa sikat na young actress at maging ang mga pamilya nila ay malapit sa isa’t isa.

Umiral ang pagkagalante ng sikat na aktres nang sabay-sabay silang mag-shopping. Dahil kasama nila ang kani-kanyang pa*milya sa nasabing biyahe, sinabihan ng sikat na aktres ang sikat na young actress na isama ang paslit nitong anak na babae sa pagsa-shopping nila.

Sa isang Chanel store nagyaya ang sikat na aktres at pinapili niya ang anak ng sikat na young actress kung anong gusto nitong bag sa nasabing mamahaling tindahan.

Nang makapili na ang bagets ay ang sikat na young actress naman ang pinapili ni sikat na aktres ng kahit na anong bag na matitipuhan nito.

Walang keber ang sikat na aktres kung magkano man ang mga bag na napili ng mag-ina. Buong ningning niyang binayaran ang mga ‘yon, na tuwang-tuwa siya dahil naipamili niya ang kaibigang young actress at ang munting anghel nito.

Sobrang na-touch ang sikat na young actress sa kabaitan at pagiging galante ng sikat na aktres. Medyo nalokah si young actress para sa bagets niyang anak dahil ang bata-bata pa nito ay meron nang Chanel bag.

Mismong si young actress ay hindi bumibili ng nasabing bag para sa sarili niya dahil nanghihina*yang siya sa presyo nito.

Nang pumasok siya sa Chanel store ay isang scarf lang ang binili ng young actress. Sa scarf na ‘yon pa lang ay namahalan na ang young actress at feeling niya ay hindi siya makakatulog sa ginastos niya rito.

Kaya nawindang siya nu’ng papiliin siya ng sikat na aktres ng type niyang Chanel bag at may bonus pa na para sa paslit niyang anak.

***

Kahit galante at walang keber kung mamili ng mga mamahaling bagay ay bukas-puso ang sikat na aktres at napakamatulungin sa kapwa.

Hindi niya lang pinagsasabi, pero marami siyang mga pamilyang tinutulungan at mga estud*yanteng pinag-aaral.

Nang minsang pumasyal siya sa isang orpha*nage ay labis na natuwa ang sikat na aktres sa mga sanggol sa nasabing bahay ampunan.

Panay ang karga at halik niya sa mga sanggol at sa tuwa niya ay parang gusto na niyang iuwi ang mga ito at ampunin lahat.

Ang ending, pagkatapos ng pagbisita niya sa nasabing orphanage ay nag-donate ang sikat na aktres ng malaking halaga (mahigit P1M) para sa mga baby roon, na labis na ikinatuwa ng mga namamala sa bahay-ampunan.

Meron ding isang batang may kanser na palihim na tinulungan ang sikat na aktres, na ayaw niyang may makaalam na kahit sino.

Hindi niya kaanu-ano ang batang maysakit, naawa lang siya sa ka*lagayan nito kaya sinagot niya ang pagpapagamot dito at pagpapaospital.

Sa kasamaang pa*lad ay sumakabilang buhay ang nasabing bata, na dinamdam nang husto ng aktres.

Kahit naibigay na niya ang lahat na tulong na maaari niyang ibigay rito, feeling niya ay nagkulang pa rin siya dahil namatay ang batang maysakit.

Ganu’n pa man ay abot-langit ang pasasa*lamat ng pamilya ng nasabing bata sa sikat na aktres dahil kahit paano ay napatagal pa ang buhay ng anak nila at wala silang anumang ginastos dahil sa kabutihang loob at pagiging likas na matulungin ng sikat na aktres.

Do you already know who the said actress is?

........

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Featured Blogs

Entredropper BIG Blogversary Contest Photobucket

Place Ad Here

Your Ad Here

Followers

Categories

 


.....