Place Ad Here

Your Ad Here

Jan 28, 2010

Angel Locsin will not transfer to Boy Abunda

.....
Last Tuesday, I wrote an article about the alleged transfer of Angel Locsin to the Boy Abunda's Backroom.  It appeared on the scoopbox of Philippine Entertainment Portal and also on the forum of Pinoy Exchange.com. Now, on the Facebook account of Ms. Angel Locin, both Boy Abunda and Angel denied the report of such transfer.  Read the whole text below.

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang natsitsismis na paglipat daw ni Angel Locsin ng manager, mula kay Becky Aguila ay lilipat na ito kay Boy Abunda. May ilang tao kaming nakausap na nagbulong sa amin na wala na palang kontrata ngayon si Angel kay Becky at anytime eh, puwedeng umalis at lumipat ng manager ang aktres. Pero dahil malapit at tiwala sila sa isa’t isa, hindi na raw kinailangan ng kontrata pa at mananatili si Angel sa bakuran ni Becky. Pero ‘eto nga’t umugong na naman ang isyung magpapalit na siya ng manager at kay Boy Abunda na raw ito lumalapit.

Sa column ni Vinia Vivar sa Journal, she shared about her recent visit and interview with Boy Abunda on the set of Showbiz News Ngayon. Here are excerpts of her column:


Pinuntahan namin si Boy Abunda sa SNN: Showbiz News Ngayon last Tuesday para hingan ng pahayag hinggil sa balitang siya na ang bagong manager ni Angel Locsin at umalis na sa poder ni Becky Aguila ang young actress.


“Alam mo, nabibigla ako ru’n, because walang pinanggagalingan. Hindi kami nag-uusap ni Angel, I haven’t seen Angel in a long time, we haven’t talked, I haven’t spoken to Becky.


“Ibig sabihin, may mga usapan kasi na may pinanggagalingan, either a biro or may nag-usap, nagkasalubong or when you send feelers. So, ito, wala, totally,” umpisa niyang paglilinaw.


“Nu’ng sinabi nga sa akin na ako na raw ang bagong manager ni Angel, I was shocked and surprised. Tatanungin n’yo, paano kung lumapit sa ’yo (si Angel), hindi ganu’n ’yon.


“Ganito ang sistema namin, kung sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.), halimbawa, may mga artista na lumilipat ng manager, nag-uusap kaming managers, sasabihin ko sa manager na lumilipat sa akin ang artista niya at tatanungin ko kung may problema ba sila at kung okay lang sa kanya.


“Kung acceptable sa akin ang dahilan, magpapasintabi ako na tatanggapin ko na at kung okay lang sa kanya, kasi, ang pananaw naman namin, kesa mapunta sa hindi natin kakilala, kaibigan, kamiyembro.


“With Becky, even if she’s not a member of PAMI, she’s a friend. Kung, halimbawa, may nagpadala ng feeler sa akin from Angel at interesado ako, mag-uusap muna kami ni Becky, I will call Becky, as a matter of fact, today, I was planning, pero sabi ko, napaka-defensive ko naman.


“I wanted to call Becky, I wanted to call Angel, pero hindi ko muna ginawa kasi parang nailang ako. But kung talagang susundin mo ang proseso, tatawagan ko si Becky.”


Kung sakali naman daw na hahawakan niya si Angel at may taong sasama ang loob sa kanya, hindi siya magiging kumportable.


“Diyos ko naman, I don’t wanna break friendship just because of an artist. Ayokong makasakit.”


Aminado si Kuya Boy na marami siyang nababasa at nababalitaan tungkol sa relasyon ngayon nina Angel at Becky bilang manager-talent.


“Nababasa ko sa diyaryo, ’yung wala na raw kontrata, may mga tampuhan na. Kung hindi man maaayos, magpormal kayong maghiwalay.


“Ito ’yung unsolicited advice ko, ha, either it is done via a phone call or kung gusto mong i-legal naman, magsulatan kayo, ipormal, it’s very hard, hindi ganu’n kadali, lalo na kapag medyo mayroong tampuhan sa isa’t isa, pero ang importante para maka-move on kayo pareho, maklaro pareho to both parties that the relationship has ended,” pagtatapos ni Kuya Boy.


Agad naming tinext at tinawagan si Angel para klaruhin ang naturang isyu. Diverted ang mga calls dahil nasa Bangkok pala ngayon ang aktres para sa isang shoot. Pero nag-text naman ito at sinabing sinagot na raw niya ang isyung iyon sa kanyang “twitter” account.


Agad naming pinuntahan ang twitter site ng aktres sa Internet at doon niya pinabulaanan ang balita. “It’s not true po ‘yung usap-usapan na si Angel Locsin po ay lilipat na kay Tito Boy Abunda.”


Pinabulaanan din ang naturang balita ng kampo ni Tito Boy.


Nakabalik na nga ngayon sa bansa si Angel matapos ang ilang araw na shoot sa Bangkok. Malamang makikita na natin ang kanyang interview sa mga talkshows sa darating na araw
........

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Featured Blogs

Entredropper BIG Blogversary Contest Photobucket

Place Ad Here

Your Ad Here

Followers

Categories

 


.....